'Wildflower': Diego, iniligtas si Lily Cruz

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 11:20 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagawang iligtas ni Diego Torillo (Joseph Marco) ang asawang si Lily Cruz (Maja Salvador) sa takdang pagbitay ng mag-amang Emilia at Julio Ardiente.

Nitong Miyerkoles, matapos magkunwari at makapasok sa plaza kung saan bibitayin si Lily, inilabas na sa wakas ni Diego ang baho ng mga Ardiente sa harap ng madla.

Kasama ang ilan sa mga sumusuporta kay Lily, ipinakita nila Diego ang video kung saan itinatapon ang mga ipinapapatay ng mga Ardiente.

Ipinaalam din sa mga mamamayan ng Poblacion Ardiente na lumantad na ang mga saksi laban sa pamilya Ardiente.

Matapos ang palitan ng bintang at barilan, walang nagawa ang mag-amang Ardiente kung hindi lisanin ang plaza.

Pero bago iwan ang lugar, nakuha pang itulak ni Julio ang silya para mabitay si Lily. Nakita naman ni Camia (Sunshine Cruz) at Diego ang pangyayari kaya agad nilang nailigtas ang bidang karakter.

Gamit ang #WildflowerPagAklas, ibinahagi naman ng mga netizens na tumutok sa sikat na serye ang kanilang mga reaksiyon.

Narito ang ilan sa mga tweet na pinapurihan ang ganda ng istorya at galing ng mga artista.

Tuluyan na nga bang makakamit ni Lily Cruz at iba pang mga biktima ang katarungan laban sa mga Ardiente? 

Tutukan ang tumitinding mga eksena sa "Wildflower" bago mag "TV Patrol."