'Right timing talaga': Andrea Brillantes, malaki ang pasasalamat sa 'Kadenang Ginto' | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Right timing talaga': Andrea Brillantes, malaki ang pasasalamat sa 'Kadenang Ginto'

'Right timing talaga': Andrea Brillantes, malaki ang pasasalamat sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat ni Andrea Brillantes sa pagiging parte ng sikat na serye na "Kadenang Ginto."

Sa press conference para sa nalalapit na pagtatapos ng serye ng ABS-CBN, ibinahagi ni Andrea ang pagbabagong naganap sa kanyang buhay dahil sa serye.

Pag-amin ni Andrea, sagot sa kanyang matagal na panalangin ang "Kadenang Ginto," kung saan gumaganap siya bilang si Marga Mondragon Bartolome.

"Gusto kong magpasalamat sa show na ito. Bago dumating ang 'Kadenang Ginto' sa akin medyo lost po ako noon. Nasa kama lang ako noon, sobrang empty ko, kasi wala akong raket, wala akong show, kailangan ko na. Kasi siyempre ako po ang breadwinner sa amin, kailangan ko na ng pera, kailangan ko na mag-ipon. Tapos lumuhod pa talaga ako noon at umiiyak ako, 'Lord, please bigyan niyo ako ng chance.' Gusto kong mapatunayan sa lahat na kaya kong umarte, hindi lang ako ito, I'm more than that," ani Andrea.

ADVERTISEMENT

"So noong dumating sa akin ang 'Kadenang Ginto' sabi ko ito na, papatunayan ko sa lahat, ibibigay ko ang lahat ko, ibibigay ko ang best ko sa lahat ng iyakan, sa lahat. So, masaya ako na dumating sa akin ito," dagdag ni Andrea.

Ayon kay Andrea, dahil sa serye ay nasimulan niya ang pagpapagawa ng bahay para sa kanya at kanyang pamilya.

"Malapit na matapos ang bahay ko, sa April na po. Dati extra-extra lang ako 'yung wala akong tent, wala akong upuan. Pero alam ko na gusto ko na magkaroon ako ng bahay para sa buong pamilya ko. Kasi nakakapagod 'yung palaging nagre-rent, aalis ka at pupunta ka sa bagong bahay na naman. Nung dumating sa akin ang 'Kadenang Ginto' dito ako nagkaroon ng parang endorsements, blessings na ilang years ko na pong ipinagdasal na sana ay magkaroon ako. Kasi nung una akala ko hindi ako naririnig ni Lord kasi nine years na po akong artista. Feeling ko 'di Niya ako naririnig sa mga ipinagdarasal ko. Tapos nagkaroon ng 'Kadenang Ginto,' tapos bumuhos ang lahat ng blessings. Kaya sabi ko, 'Lord, grabe thank you talaga.' Ngayon mas naniniwala ako sa right timing," kuwento ni Andrea na inaming mami-miss niya ang kanyang pamilya sa "Kadenang Ginto."

Abangan ang huling episodes ng "Kadenang Ginto" na ipinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.