Cristine Reyes, pumalit kay Claudine Barretto sa pelikulang 'Untrue'

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2020 12:02 PM | Updated as of Jan 31 2020 12:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagbigay reaksiyon si Cristine Reyes sa balitang si Claudine Barretto ang unang aktres na napili para bumida sa pelikulang "Untrue."

Sa press conference ng "Untrue" kasama ang bidang aktor na si Xian Lim, iginiit ni Cristine na nagkataon lang na ibinigay sa kanya ang proyekto.

"'Yung nagtanong sa akin kung intensiyon daw po ba, sabi ko hindi intensiyon, nagkataon lang na naibigay sa akin," ani Cristine.

Nang hingin ang kanyang reaksiyon na siya ang pumalit kay Claudine para sa bidang karakter na babae, sagot ni Cristine: "Ah siya pala talaga 'yung original. Kasi iba ang naiisip ko. Oo nga sa kanya pala originally. How do I feel, 'yun po ba ang tanong? ... Actually nung tinanggap ko ang pelikula, tinanggap ko po siya dahil maganda talaga."

"Sinabi ko na ito 'yung matagal kong hinihintay na project and seryoso po talaga ako rito. Kaya sabi ni Xian na game face ako lagi sa shoot kasi gustong-gusto ko talaga siya gawin. Siguro, thank God, 'yun ang masasabi ko na ibinigay Niya sa akin itong project kasi hindi ko ito makukuha kung hindi dahil sa Kanya," dagdag na sagot ni Cristine.

Ipapalabas sa mga sinehan ang "Untrue" simula Pebrero 19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.