Julia Barretto, masayang 'maraming naka-relate' sa di pagsusuot ng bra

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 07:52 PM

Julia Barretto. Retrat mula sa Instagram/@juliabarretto

Inihayag ni Julia Barretto na masaya siya at marami umano ang naka-relate sa pag-amin niya na hindi siya kumportableng magsuot ng bra.

"I'm just glad that a lot of people can relate it," sabi ni Barretto sa panayam ng ABS-CBN News noong Linggo sa Pure Magic, isang eksklusibong party para sa Star Magic artists.

"Dapat may magtaas ng bandera and I guess I'm the one who did that for the flat-chested community," dagdag ng 21 anyos na aktres.

Watch more in iWant or TFC.tv

Naging usap-usapan nitong buwan ang panayam ng programang "Tonight With Boy Abunda" kina Barretto at sa katambal na si Joshua Garcia matapos umamin ng aktres na hindi siya kumportableng mag-bra.

Ipinaliwanag ni Barretto: "Hindi talaga kumportable magsuot ng bra. Ako naman din, walang kakapitan iyong bra."

Sinundan ito ni Barretto ng isang tweet na may retrato niyang bumibili ng mga nipple tape.

Karamihan sa mga reply sa tweet ni Barretto ay galing sa mga babae na umaming nakaka-relate sa aktres.

Matapos bumida sa primetime seryeng "Ngayon at Kailanman," nakatakdang bumida sina Barretto at Garcia sa zombie film na "Block Z."

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.