'Wildflower': Lily Cruz, ipinahiya at sinaktan sa harap ng madla

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 01:24 PM | Updated as of Jan 31 2018 02:27 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Matapos dukutin at pahirapan, ipinahaya sa publiko si Lily Cruz (Maja Salvador) ng mag-amang Emilia at Julio Ardiente.

Sa episode na ipinalabas nitong Martes, tila isang pangyayari sa nakaraan ang naganap matapos na kutyain at saktan si Lily hindi lang ni Emilia at Julio kung hindi pati na rin ng mga mamayan ng Poblacion Ardiente.

Pinaniwala ng mag-amang Ardiente ang mamamayan na si Lily ang pumatay kay Arnaldo Ardiente, ang alkalde ng bayan. 

Maliban sa pagpapaamin na siya ang pumatay kay Arnaldo, pinaluhod ni Emilia si Lily sa kanyang harapan samantalang sinampal naman si Lily ni Julio sa harap ng madla. 
 
Gamit ang #WildflowerDeathMarch, nagbigay reaksiyon naman ng ilang netizens na tumutok sa "Wildflower."

Narito ang ilang reaksiyon mula sa mga netizen.

Tutukan ang tumitinding mga eksena sa "Wildflower" bago mag "TV Patrol."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.