JC Santos, malungkot pa rin sa hiwalayan nila ng dating nobya

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 12:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "I'm healing right now, we are both healing."

Ito ang pag-amin ng aktor na si JC Santos matapos ang hiwalayan nila ng nobyang si Teetin Villanueva.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, aminado si JC sa lungkot na nararamdaman dahil sa pagtatapos ng apat na taon na relasyon nila ni Teetin.

"So far ngayon mabigat pa. Malungkot and hindi pa ako makapag-focus ng maayos. Pero trying getting there," ani JC na bida sa pelikulang "Mr. & Mrs. Cruz."

Nang matanong kung may pag-asa pa bang magkaayos sila ng dating nobya, sagot ni JC: "Wala pong sinasabing sarado. Pero kung mayroon, kung mag-usap kami ulit, kung maayos at mawala na ang lahat ng galit, then we're still going to give it a chance."

Naniniwala pa si JC na maari pa nilang maayos ni Teetin ang kanilang relasyon. "Pwede pa," aniya.

Matatandaang Marso noong nakaraang taon ay hinarana pa ni JC si Teetin sa naging pagbisita rin nila sa "Magandang Buhay."

Nagsimula ang relasyon ni JC at Teetin nang magkakilala sila sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan naging katambal niya si Teetin sa isang stage play.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.