Bakit nga ba napatawag si Coco kay Julia Montes

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 01:00 PM | Updated as of Jan 31 2018 01:33 PM

MANILA -- Inamin ng aktor na si Coco Martin na siya mismo ang nagbigay ng payo kay Julia Montes para sa pagsabak nito sa mga action scenes sa pinakabagong nitong serye ng ABS-CBN na "Asintado."

"Actually hindi siya kumonsulta, ako mismo ang tumawag sa kanya. Kasi noong nalaman ko na 'yung project niya medyo action, siyempre ginuide (guide) ko siya sa action," ani Coco sa isang panayam nitong Martes.

Ayon kay Coco, taliwas sa nakikita sa telebisyon, hindi madali ang paggawa ng action scenes.

"Masarap lang siya panoorin pero napakahirap niyang gawin. Siyempre unang-una doon ang safety. Dapat din talaga ang binabantayan mo doon," dagdag ni Coco.

Sa nakaraang panayam, aminado si Julia na espesyal si Coco para sa kanya na nakasama niya sa nakalipas na mga proyekto.