Nadine bukas na makatambal ulit ang ex na si James

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 05:25 PM | Updated as of Jan 30 2020 08:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Inihayag ni Nadine Lustre na bukas siyang makatrabaho sa serye ang ex-boyfriend na si James Reid kasabay ng paglilinaw niyang maayos ang relasyon nilang dalawa matapos ang kamakailang hiwalayan.

“Maybe in the future. But right now kasi, the goal talaga is to work on the other stuff separately,” ani Lustre sa panayam ng ABS-CBN News sa isang event noong Miyerkoles.

“We’ll see. Baka naman in the future mangyari ulit ‘yan. I’m super open. It’s gonna be a reunion teleserye for both us,”aniya.

Kinumpirma noong Enero 20 nina Lustre at Reid na hiwalay na sila matapos ang 3 taong pagsasama. Umani ang anunsiyo ng sari-saring reaksiyon sa social media mula sa fans at maging sa mga kapuwa artista.

Nilinaw naman ni Lustre na sa kabila ng hiwalayan, nananatiling mabuti ang relasyon nila ni Reid.

Kasunod ito ng mga social media post nitong mga nakaraang araw na nagpapakitang magkasama ang dalawa na nagpa-party.

“We’re good. That’s all everyone needs to know,” ani Lustre.

“I think social media kasi just blew it out of proportion. Talagang medyo naging OA lang but we’re super good,” dagdag niya.

Kasalukuyan umanong abala si Lustre sa pag-produce ng music.

Sa kabila ng hiwalayan nila ni Reid at isyu sa kaniyang kontrata sa Viva Artists Agency, nananatiling “okay” si Lustre.

“It's hard at first. Believe me, it was really hard. But at the end of the day kasi, I think to myself na parang, ‘Okay what is going to come out of this?’” aniya.

“After all this, when I'm done with this challenge, when I'm done with this heartache or whatever it is, I'm gonna be a stronger and better person. I would learn so much from that.”

Tumanggi naman si Lustre na magkomento sa pahayag ni Viva big boss Vic del Rosario na talent pa rin siya ng Viva Artists Agency sa kabila ng naunang pahayag ng aktres na pinuputol na niya ang kontrata niya rito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.