PatrolPH

'Genie-nga,' emosyonal sa pasasalamat kay Alodia

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 11:36 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Christine Samson o mas kilala ngayon bilang "Genie-nga" ng "It's Showtime" ang maging emosyonal habang nagpapasalamat kay Alodia Gosiengfiao.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwbes, ibinahagi ni Christine ang malaking tulong at suporta sa kanya ni Alodia na founder ng Tier One, isang talent management na humahawak sa mga esports personalities.

Maliban sa pagiging host at model, isa ring video game streamer si Christine.

Ayon kay Christine nagsimula ang karera niya online sa tulong ni Alodia.

"Lagi po akong nagte-thank you kay Ate Alodia. Hindi po ako mapapagod na [magpasalamat]. Hala bakit ako naiiyak?" ani Christine.

"Kasi parang sila po talaga ni Kuya Wil 'yung parang parent ko sa industry na ito. Sila ang nagsabi sa akin ng mga dapat kong itatak sa isip, 'yung dapat ganito ka. Nung kakalipat ko po ay dinalaw nila ako at nagbigay sila ng advise na parang huwag akong magulat at lagi silang nandiyan para sa akin. Sobrang blessed ko talaga kasi dumating ka," dagdag ni Christine na naniniwalang si Alodia at nobyo nitong si Wil Dasovich ang kanyang mga genie.

Pangako naman ni Alodia, palagi lang siyang nandiyan para sumuporta kay Christine.

"Kahit anong mangyari, kunwari madapa ka or anything, we are just here to support you," ani Alodia na labis ang kasiyahan para kay Christine.

"Even before everything, sobrang ang bait niya up to now as in parang walang nagbago. Kasi sobrang bilis niyang umangat, ganun pa rin kalog, very sweet, very humble. I really love her. So congratulations," ani Alodia na pinuri rin ang kasipagan ni Christine sa trabaho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.