Sylvia Sanchez, nagsalita sa mga bantang natatanggap ng mga anak mula sa bashers

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 12:16 PM | Updated as of Jan 31 2019 08:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinag-uusapan pa rin ang pagsagot ni Sylvia Sanchez sa bashers ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.

Bilang nanay, ipinagtanggol ni Sylvia ang mga anak na nagsimula nang madikit ang pangalan ni Arjo kay Maine Mendoza.

Kahapon sa media conference ni Sylvia para sa bago niyang pelikulang "Jesusa," hindi napigilan ng aktres na magsalita tungkol sa isyu.
 
"Bukod sa mura, bukod sa panlalait, bukod sa pangba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi na patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde. Hindi lang 'yan dalawa, mayroon pa," ani Sylvia.

Watch more in iWant or TFC.tv

 

At gaya ng isang ina na gagawin ang lahat para sa mga anak, naging emotional si Sylvia sa kanyang sagot.
 
"Mayroon pang nag-post diyan na isang bala ka lang. 'Yung bala na 'yun para sa akin niyo na lang ibigay, huwag na sa mga anak ko," ani Sylvia.

May isyu man na pinagdadaanan ngayon, ipinagpapasalamat pa rin ni Sylvia ang kanyang pamilya na pinaghuhugutan ng lakas ngayon.
 
Dalangin ni Sylvia na matapos na ang isyu sa ikatatahimik ng lahat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.