Reklamong tax evasion laban kay Richard Gutierrez, ibinasura ng DOJ

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 05:20 PM

Richard Gutierrez. Michael Bagtas, ABS-CBN News

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong tax evasion laban sa aktor na si Richard Gutierrez at sa kanyang RGutz Production Corp. sa resolusyon na inilabas ngayong Miyerkoles.

Sa 11-pahinang resolusyon ni DOJ Assistant State Prosecutor Christine Perolino, nakasaad na hindi sapat ang basehan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para idiin sa kasong tax evasion si Gutierrez at kumpanya nito.

Agosto 2017 nang ireklamo ang aktor nang hindi umano pagbabayad ng na sa P38.5 milyon na pinagsamang income tax at value added tax para sa taong 2012.

Sa isa pang resolusyon, ibinasura rin ni Perolino ang hiwalay na kasong perjury at falsification of documents laban kay Gutierrez kaugnay ng mga dokumento nitong isinumite bilang ebidensya. — Ulat ni Dexter Ganibe, DZMM TeleRadyo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.