Kathryn sumagot sa umano'y 'proposal' ni Daniel sa Japan

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 05:24 PM | Updated as of Jan 30 2019 08:13 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Nilinaw na sa wakas ni Kathryn Bernardo ang isyung nag-propose na sa kaniya ang nobyong si Daniel Padilla noong Christmas vacation nila sa Japan kasama ang kanilang mga pamilya.

Kumalat ang balita matapos mag-post ng ina ni Bernardo sa Instagram na inanunsiyong "may nag-propose."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

Pero sa panayam kay Bernardo nitong Martes, nilinaw niyang hindi sila ni Padilla ang tinutukoy ng ina. 

"Iyung pinakita, 'yung [post] sabi ko, 'nakakaloka kayo, mababaliw 'yung mga tao.' Hindi, hindi po talaga [nag-propose]," kuwento ni Bernardo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pag-amin niya, bukas siya sa ideya ng proposal pero kailangan pa umano nilang magtrabaho bago lumagay sa tahimik.

"Hindi muna siguro. Open ako sa idea pero kailangan pa naming magtrabaho pareho and baka too young pa ngayon [magpakasal]," aniya. 

Agosto noong nakaraang taon nang ibunyag ng dalawa na limang taon na silang magkasintahan. 

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.