Joshua Garcia, bumili ng townhouse para sa pamilya

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 01:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Feeling blessed si Joshua Garcia sa kanyang sunod-sunod na project.

Pagkatapos nga ng kanyang teleseryeng "Ngayon at Kailanman," aabangan muli si Joshua sa pelikulang "Block Z" kasama ang nobya at screen partner na si Julia Barretto.

Nang tanungin kung paano niya hina-handle ang kanyang kita, sagot ng aktor, nag-iipon siya lalo pa at kakatapos lang niyang bumili ng townhouse para sa kanyang pamilya.

Sa ngayon pinag-iisipan pa ni Joshua ang kanyang susunod na investment.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.