Dawn Zulueta, sumali na rin sa #10YearChallenge

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 12:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Likes galore ang inaani ng social media posts ng aktres na si Dawn Zulueta dahil sa usong "How Hard Did Aging Hit You Challenge?"

Nag-post si Dawn ng mga glamour shots niya hindi isa, hindi dalawa, kung hindi hanggang tatlong dekada na ang nakakaraan.

Natutuwa si Dawn sa positibong comments ng netizens sa kanya.
 
"I'm flattered, very flattered. It's nice to know na napapansin yung mga ganoon," ani Dawn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dawn Zulueta 🇵🇭 (@dawnzulueta) on


 
Pero mukhang marami ang makaka-miss kay Dawn sa telebisyon at pelikula dahil pamilya muna ang pokus niya ngayon.
 
"Right now I'm on a break. I spend time with the children right now. I'm just a housewife and a mother," ani Dawn.
 
Pero aminado si Dawn na sana ay dumating ang isang magandang project na muling hahamon sa kanya bilang aktres
 
"There have been offers but there hasn't been an offer that excited me enough for me to say okay let's go back to work, wala pa," ani Dawn.
 
Huling napanood si Dawn sa top-rating serye na "FPJ's Ang Probinsyano" bilang First Lady Marissa Hidalgo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.