KILALANIN: Mga bagong Star Music artists

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2018 02:30 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv


 
MANILA -- Magkakasunod na pumirma bilang mga bagong contract artists ng Star Music ang anim na bago at nagbabalik na singers at performers.
 
Una na diyan ang bandang 6cyclemind na nagsimula noong 2001 at nagpasikat sa mga awiting "Sandalan," "Magsasaya," "Aaminin," at marami pang iba.

At sa kanilang pagpasok sa Star Music, astig na hugot song ang una nilang ipaparinig sa kanilang followers.
 
"It's entitled 'No Rewind, No Replay.' Basically self-explanatory naman, move on na talaga kumbaga. If theres no chance of going back together, bakit pa?" ani Tutti Caringal, bokalista ng 6cylemind. 

Sa 16 na taong history ng 6cyclemind, sikreto ng grupo ang sumunod sa nauuso at mag-evolve sa hinihingi ng listeners.
 
"Hindi ka naman pwede solo habambuhay and that's one aspect kung bakit ang 6cyclemind nandito pa rin. Kasi open kami sa ideas hindi kami nagpapa-box sa isang idea lang," ani Tutti. 

Nagbabalik Star Music ang dating child star na si LA Lopez na isa sa original host ng "Eh Kasi Bata" noong dekada 90.

Ngayon isa ng pastor si LA sa Abundant Harvest Fellowship International.

Sa pamamagitan ng kanyang musika, misyon ni LA na palaganapin ang positivity at palakasin ang pananampalataya sa Panginoon gamit ang kanyang talento.
 
"Apart from just desiring to come back, ang tunay po na heart ko is ipamahagi ang music na bigay sa akin ng Diyos and in doing so magkaroon ng regular trabaho para matulungan ang simbahan, ko yung foundation na we are hoping to build up para sa mga kabataan," ani LA.
 
Kasama rin ang mga baguhan at promising singers na sina Martin V at Brian Gazmen na bagong tunog millennial ang ihahatid sa kanilang fans.
 
"Hindi ko po akalain... thankful po sa mga tumulong sa akin sa industriyang ito," ani Martin.
 
"Ang mga millennial ngayon naka-focus sila sa lovelife nila, feeling nila end of the world na parang ganun. Binreak namin ang rule, ginawa namin upbeat ang song para mapasaya naman ang millennials ngayon na heartbroken," ani Brian.

Kasama rin sa mga bagong Star Music artists ang social media sensation na sina RJ Agustin at Zion Aquino.
 
Mas magiging makulay at masigla ang bagong tunog ng original Filipino music ngayong 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.