KZ Tandigan, nagbigay update sa kasal nila ni TJ Monterde

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagbigay update si KZ Tandingan sa kanyang pinaplanong kasal sa kanyang nobyong si TJ Monterde.

December 2019 nang mag-propose si TJ kay KZ na ikinagulat ng kanilang followers.

Kuwento ni KZ, abangan daw ang magiging design ng kanyang wedding gown.

"Kailangan niyong abangan 'yan, wow! On a normal day kapag si KZ na hindi performer, ano lang talaga ako very basic, naka-t-shirt lang ako palagi. Pero kapag KZ as a performer doon ako maximalist talaga. So hindi natin alam, tingnan natin," ani KZ.

Magkakaroon din ng madamdaming theme song ang kanilang kasal ni TJ.

"Actually may nagawa na ako pero iniisip pa rin namin kung gagawa kami ng bago just for the wedding," ani KZ.

At bilang ambassador for music ng National Commission for Culture and Arts sa ikalawang taon, nilinaw ni KZ na ginagawa niya ito ng libre dahil sa pagmamahal sa musika.

"This is an advocacy at sobrang hindi rin kayang tapatan ng salapi ang platform na ganito at kahit siguro hindi ako naging ambassador ng NCCA it's my responsibility na i-promote ang ating kultura," ani KZ.

Inaasahan na muling mag-iikot sa Pilipinas si KZ para ibahagi ang kanyang nalalaman sa musika para sa mga kabataan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.