Ogie Alcasid, suportado ang pakikipag-date ng anak na si Leila

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Suportado ni Ogie Alcasid ang kanyang anak na si Leila pagdating sa buhay pag-ibig nito.

Sa press conference ng kanyang paparating na "Master of Love" concert, ibinahagi ni Ogie na nakikipag-date ngayon ang kanyang panganay.

Hindi na binanggit ni Ogie kung sino ang ka-date ng anak.

Dagdag pa ni Ogie mas naging malapit siya ngayon kay Leila na two years nang nasa Pilipinas.

Lumaki at nanirahan si Leila kasama ang ina at former actress na si Michelle van Eimeren sa Australia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.