Edu, pabor nga ba kay Jessy para sa anak na si Luis?

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 11:36 AM | Updated as of Jan 29 2019 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "Aprobado."

Ito ang sinabi ni Edu Manzano nang matanong kung boto ba siya sa aktres na si Jessy Mendiola para sa anak niyang si Luis Manzano.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, iginiit ni Edu na masaya siya basta masaya ang kanyang anak. Si Luis ay anak ni Edu sa dating asawang si Vilma Santos.

"Kung saan maligaya si Luis, doon ako maligaya. Hindi ako makikialam," ani Edu.

"Basta ang importante talaga kung saan siya happy," ani Edu na ibinahagi pa na nakakasama nila palagi si Jessy tuwing kakain sa labas ang kanilang pamilya.

"Si Jessy is always welcome (sa bahay) at lagi siyang kasama kahit saan kami kumain sa labas. Maganda na gusto mong makita 'yung anak mo kung paano nade-develop ang buhay niya, kung happy siya," ani Edu na pinuri rin ang kabutihan ni Jessy.

Maliban sa pagiging mabait, ibinahagi rin ni Edu ang dahilan kung bakit sa tingin niya ay nagkakasundo sina Jessy at Luis.

"Nakakatawa si Jessy... I think isa 'yon sa dahilan kung bakit sila nagkakasundo is because maganda ang kanilang sense of humor," ani Edu.

Matatandaang sa dating panayam ay ibinahagi rin ni Vilma ang suporta niya kay Jessy.

Ayon pa kay Vilma, naiinip na siya na maging manugang ang aktres.

Sa mga nakaraang panayam, aminado sina Jessy at Luis na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.