PatrolPH

PBB: Housemates, tutulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2022 02:48 PM

MAYNILA -- Para sa kanilang bagong weekly test, makakatulong ang mga adult housemates ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa video na inilabas ng "PBB" nitong Huwebes, ipinaalam na ni Kuya sa kanyang housemates na ang "Isang Daan sa Pagtutulungan" ang magiging beneficiary ng kanilang weekly task.

Watch more on iWantTFC

"Housemates, ngayong linggo ay binigyan ko kayo ng task upang bumuo ng start-up company. At ngayon nais kong ipaalam sa inyo na ang task na ito ay may kaakibat na isa pang hamon. Ang hamon na tumulong, dahil ang inyong magiging benta mula sa inyong weekly task ay magsisilbing tulong at donasyon sa ating mga Kapamilya na nangangailangan," ani Kuya.

"Sa ikaapat na pagkakataon ngayong edisyon ay inaanyayahan ko ang aking housemates sa pagtulong sa isang kumunity. Ito ang 'Isang Daan sa Pagtutulungan,' isang serye ng fundraising activities sa loob ng 100 araw mula sa iba't ibang grupo sa loob ng ABS-CBN. At ito ay naglalayong makatulong sa 100,000 na pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette," paliwanag ni Kuya sa mga housemate.

Mabilis naman ang naging pagsang-ayon ng mga housemate sa hamon ni Kuya. 

Ayon kay housemate Gin Regidor, iba ang pakiramdam na mabigyan ng pagkakataon na makatulong lalo't naranasan niya ang mabigyan ng tulong ng Kapamilya network noong panahon na kailangan niya ito.

"Na-experience ko po isa rin ako sa natulungan ng ABS-CBN. Ang sarap sa feeling. Noon ako po 'yung isa sa tinutulungan, ngayon may pagkakataon na po akong tumulong. Ang saya po," ani Gin.

Nang malaman naman ang nakataya para sa kanilang weekly task, nakuwento naman ni Michalel Ver Comaling, ang napiling boss para sa weekly task, ang naging karanasan niya noon bilang isa sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ani Michael, naniniwala siya na nasa loob sila ng sikat na dilaw na bahay, hindi lang para magsaya kung hindi para makatulong sa iba, lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.

"We're not just here for fun. We're not just here para magsaya lang but we're here for a reason. We're here para sa mga nangangailangan. As you can see sa mga nasalanta ng bagyong Odette, Gin experienced it. And I also experienced it kung gaano kahirap ang masalanta ng bagyo. I was struck by Yolanda, 'yun ang pinakamalakas na bagyo. I lost my lola and lolo that time, it was really heartbreaking. It was the hardest experience that I've experienced. Wala kaming tubig, walang pagkain, walang kuryente, lahat. What we had was tulong lang immediately from other countries. I also received help from ABS-CBN sa lugar namin. Ito 'yung time na we should do our best na ipakita natin na we're not just here to entertain but we're also help others. Kaya put your hearts up and help each other, let's cooperate," ani Michael.

Mapapanood ang "PBB" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC, mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

 Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.