'They were fearless': Julia Barretto, ipinagmalaki ang mga tunay na kaibigan

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 03:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ipinakilala ni Julia Barretto sina Chie Filomena at MJ Cayabyab bilang dalawa sa mga tunay niyang kaibigan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ipinagmalaki ni Julia ang dalawa bilang kaibigan na hindi siya iniwan sa mga panahong humaharap siya sa pagsubok.

"Siyempre marami na rin akong napagdaanan 'di ba? So parang sa mga pinagdaanan kong 'yon, doon ko nakita 'yung mga hindi takot akong ipaglaban, 'yung mga hindi takot na ipakita na kaibigan ako. Itong dalawang ito were very supportive and the whole world knew that," ani Julia na nasangkot sa kontrobersiya noong nakaraang taon.

"They were fearless and they were proud of our friendship despite of the opinions of other people sa akin. So doon ko talaga nalaman na ito ang mga tunay na kaibigan," ani Julia.

Aminado si MJ na minsan ay hindi na niya napipigil na pumatol sa mga bumabatikos kay Julia.

"I saw direct messages na mga mean words towards Julia na minsan nire-reply-an ko na rin," ani MJ na naging malapit kay Julia nang magkasama sila sa seryeng "Ngayon at Kailanman."

"Ako ang natutunan ko kay (Julia) she is a very strong woman. Proud ako sa kanya na despite of everything she smiles, she chooses to be happy. Proud ako talaga sa iyo and so happy for you," dagdag ni MJ.

Si Chie naman ay naging malapit kay Julia nang magsama sila sa 2015 seryeng "And I Love You So." 
 
Ayon kay Chie, ipinagmamalaki niya ang nabuo nilang pagkakaibigan ni Julia. 

"Very proud kasi as Julia said sa lowest ng buhay niya at highest ng buhay niya ay nandito kami for her and seeing her grow to be a beautiful woman that she is right now. Nakaka-proud as a friend na nandiyan kami all throughout the journey ng buhay ni Julia," ani Chie.

Ayon kay Julia, napakahalaga sa kanya na makatagpo ng mga kaibigan tulad nina MJ at Chie na nakakasama niya sa lungkot at saya.

"Importante 'yon kasi ito ang mga taong kakapitan mo, mga taong tatakbuhan mo kapag kailangan mo ng comfort, kailangan mong umiyak, tumawa. A friend is somebody whose hand you can hold and every chapter of your life ay kahawak mo sa journey mo. 'Di mo naman kaya na mag-isa lang, hindi ba?" ani Julia na bibida sa pelikulang "Block Z" na magsisimulang ipalabas ngayong Enero 29.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.