Pinoy rock icon Pepe Smith, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 08:52 PM | Updated as of Jan 28 2019 09:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pumanaw nitong madaling araw ng Lunes sa edad na 71 ang Pinoy rock icon na si Joey "Pepe" Smith.

Namatay si Smith dala ng sakit sa puso sa Cainta, Rizal.

Noong Disyembre 25, nakapagdiwang pa ang musikero ng kaniyang ika-71 na kaarawan.

Katatapos lang din umanong operahan ni Smith dahil sa katarata, ayon sa kaibigang manunulat na si Pocholo Concepcion.

Noong 2017 nalagpasan pa ni Smith ang kaniyang ikatlong stroke.

Bago ang kaniyang matagumpay na solo career, naging miyembro si Smith ng Juan dela Cruz band kasama sina Wally Gonzalez at Mike Hanopol.

Ilan sa mga sikat na kanta ng banda ang "Beep Beep," "Balong Malalim," "Titser's Enemy No. 1," "Himig Natin," "No Touch" and "Kahit Anong Mangyari."

Dahil sa hindi matutumbasan ambag ni Smith sa paghubog sa Pinoy music, bumuhos sa social media ang mga pag-alala sa kaniya ng mga sikat gaya nina Kean Cipriano, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid.

Iniwan ni Smith ang kaniyang limang anak, kabilang ang modelong si Sanya Smith.

Bago ang pinal na detalye sa kaniyang libing, dinala muna ang labi ni Smith sa Tajuna Funeral sa Cainta.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.