PatrolPH

Regine Velasquez. hindi natuloy ang guesting sa 'Mars Ravelo's Darna'

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2023 02:44 PM

MAYNILA -- Hindi matutuloy ang dapat sana ay paglabas ni Regine Velasquez sa sikat na seryeng "Mars Ravelo's Darna" na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Nitong Biyernes, sa pahayag na inilabas sa social media ng JRB Creative Production, ang prodyuser ng "Darna," ipinaliwanag nitong hindi napagtugma ang schedule nina De Leon at Velasquez.

Narito ang buong pahayag:

"Bilang paglilinaw, hindi natuloy ang guesting ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa 'Mars Ravelo's Darna dahil hindi napagtugma ang schedule nila ni Jane de Leon. Buong puso kaming nagpapasalamat kay Regine sa malugod niyang pagtanggap sa aming imbitasyon." 
 
Matatandaang isa si Velasquez sa mga bituin na gumanap na rin bilang "Darna."

Maliban sa "ASAP Natin 'To," isa rin sa mga host ng "Magandang Buhay" si Velasquez na bibida sa kanyang concert na "Solo" ngayong Pebrero. 

Mapapanood ang "Mars Ravelo's Darna" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5. Mapapanood din ang serye sa iWantTFC and TFC.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.