Joshua Garcia at Julia Barretto, nagpakilig sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 11:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kahit magkaibigan na lang, kilig pa rin ang hatid nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Kasama ang iba pang bituin ng pelikulang "Block Z," sinagot ng dalawa kung sino nga ba ang taong sasagipin nila sa kanilang grupo laban sa mga zombie.

Ayon kay Joshua, si Julia ang kanyang ililigtas dahil naniniwala siyang mas kailangan ito ng aktres.

"Isi-save ko? I think ikaw (Julia). Not for promo or anything I think ikaw 'yung mas kailangan ng tulong," ani Joshua.

"Closure ba. Closure," hirit ni Julia nang magkabiruan kung bakit tila naluluha ang aktor.

Para naman kay Julia, pipiliin pa rin niyang iligtas si Joshua.

"Ako? Isi-save ko si Josh kasi simula pa lang naman ikaw na 'yung partner ko," paliwanag ni Julia.

At tulad ng mga manonood, hindi rin napigil ng mga host ng "Magandang Buhay" ang kiligin sa sagutan nina Joshua at Julia.

"Ang ganda. Kinilig ako ngayong umaga," hirit ng host na si Jolina Magdangal.

Mapapanood ang pelikulang "Block Z" sa Enero 29.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.