'Hindi na kami tweetums': Kim Chiu, tapos na sa mga pa-cute na role

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 11:38 AM

MAYNILA -- Star-studded ang bagong teleseryeng "Love Thy Woman" na pinangungunahan ni Kim Chiu at Xian Lim.

Sa kanilang pagbabalik-tambalan, hindi maitago ni Kim na excited siyang makatrabaho ang cast ng bago nilang serye dahil marami siyang matutunan dito.

"I'm very proud na sobrang strong and independent ng mga kasama ko rito sa set. Ako, naging strong na lang ako. And I'm very proud sa kung saan ako nakatungtong ngayon and mas in control ako sa feelings ko, hindi ba?" ani Kim.

Nagbigay trivia naman si Xian na fan sila ng kanyang nanay ng aktor na si Christopher de Leon na kasama niya sa serye.

"I think Sir Christopher de Leon is the first actor na nakilala ko sa Philippine showbiz. Kasi my mom is a huge fan of Tito Bo. And I remember way back nung medyo bata-bata pa ako we will always watch his films lalo na kapag nag-aaway sila ni Ms. Vilma (Santos), iiyak kami pareho. And Tito Bo also reminds me of my father, parang pareho ang tindig nila," ani Xian.

Dagdag ni Kim tapos na sila sa pagpapa-cute sa mga role na ginagampanan nila ni Xian.

"Kita na naman ng lahat and 'yung mga role na ginagawa namin ay hindi na kami tweetums, chummy, ganyan. 'Yung mga ginagampanan naming role is something very challenging also for us also na hindi namin ginagawa every day," ani Kim.

Kaya mas seryoso na ang mapapanood sa bagong project na ito.

Magsisimulang mapanood ang "Love Thy Woman" ngayong Pebrero 10 sa Kapamilya Gold.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.