BASAHIN: Kapalaran ng celebrity love teams ngayong Year of the Metal Rat

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 07:03 PM | Updated as of Jan 25 2020 07:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ano ang kapalarang naghihintay sa mga celebrity love team ngayong Year of The Metal Rat?

Iyan ang ibinahagi ng feng shui expert na si Master Hanz Cua. 

Maganda ang forecast ngayong taon pagdating sa pag-ibig, ayon kay Cua. 

Pero iginiit niya rin na "flirty" o malandi ang personalidad ng rat sign na siyang gagabay sa kapalaran ngayong taon. 

"Magandang taon ito para makahanap ng soulmate or ng love star niyo, pero kung may partner na kayo, this rat is very flirty... Prone sila magkaroon ng third party this year," ani Cua. 

Maganda ang compatibility nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ngayong taon, batay sa kanilang animal sign. 

"Maganda ang compatability ng rat and pig. May nakikita ako month of September o December, may travel star sila," ani Cua. 

Magiging "harmonious" naman ang taon para kay Liza Soberano, na ipinanganak sa Year of the Ox, at para kay Enrique Gil, na Year of the Monkey. 

"Both sides are oks na oks sa Year of the Metal Rat. Marami silang plans lalo na pagkatapos ng June," ani Cua. 

At kahit hiwalay na sina James Reid at Nadune Lustre na parehong ipinanganak sa Year of the Rooster, magiging maganda ang pasok ng pera at negosyo para sa kanila ngayong taon, ayon kay Cua. 

"Sa year 2020 tumatawag siya [Year of the Rooster] ng maraming benta, ang mga deals at connections niya lagi niyang nako-close," ani Cua. 

Pero paalala niya, ang feng shui ay gabay lamang sa araw-araw na pamumuhay.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.