PANOORIN: Star Patroller 'Mona, Lisa'

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 10:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Espesyal ang pagpapakilala ng TV Patrol anchor na si Kabayan Noli De Castro sa guest "Star Patroller" nitong Huwebes.

"Ngayong gabi po, makakasama natin, dalawa ito ha, si 'Mona' at saka si 'Lisa' ng bagong Kapamilya serye na 'Sana Dalawa ang Puso'," sabi ni De Castro bago makita ng viewers na si Jodi Sta. Maria ang tagahatid ng latest showbiz news sa TV Patrol.

Poised na poised ang aktres sa kaniyang pag-uulat para sa premyadong newscast.

Sa pagtatapos ng TV Patrol, nakipagkuwentuhan pa si Sta. Maria sa anchors ng TV Patrol na sina De Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano.

Interesadong malaman ng anchors kung kailan magsisimula ang "Sana Dalawa ang Puso" na pagbibidahan nina Sta. Maria, Richard Yap, at Robin Padilla.

"Before 'Showtime', [starting] January 29," ani Sta. Maria.

Pabiro rin siyang tinanong ni De Castro, "Puwede ba talaga ang dalawa ang puso?"

Dalawang karakter ang gagampanan ni Sta. Maria sa bagong serye: si Mona na isang taga-baryo at si Lisa na mayamang negosyante.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.