KILALANIN: Child star noon, pastor at recording artist ngayon

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 10:15 PM

 

A post shared by L.A. Lopez (@iamlalopez) on

Ipinakilala na ng Star Music ang mga bago nilang contract stars na gagawa ng bagong original Pilipino music (OPM) ngayong 2018.

Magkakasunod na pumirma bilang bagong contract artists ng Star Music ang anim na mga bago at nagbabalik na singers at performers.

Isa na rito ang dating child star na si L.A. Lopez na isa sa bumida sa children’s show na "Eh Kasi Bata" noong 90s.

Bukod sa pagiging recording artist, isa na ring pastor si Lopez at misyon niya na palaganapin ang positivity at palakasin ang pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang musika.

"This is a dream come true. Kasi finally nakabalik na rin ako, so I'm home. Excited po ako dahil apart from just desiring to return, ang tunay po na [desire ng] heart ko is ipamahagi ang music na ibinigay sa akin ng Diyos," aniya.

 

A post shared by L.A. Lopez (@iamlalopez) on

Sa hiwalay na panayam sa programang “Umagang Kay Ganda” noong Setyembre, ikinuwento ni Lopez na pitong taon din siyang namalagi sa Amerika.

"Doon ako naging pastor at doon ako nag-aral ng musical theater," kuwento ni Lopez.

"Tapos noong bumalik ako around 2009, 'yun na basically ang sumalubong sa akin, bagyo, 'yung Ondoy. Then God has been so good that He allowed us to plant a church dito sa Quezon City and Taguig," dagdag ng dating child star.

Samantala, pumirma rin bilang contract artist ang bandang 6cyclemind na nakilala sa kanilang alternative pop music at nagpasikat ng mga kantang “Sandalan,” “Magsasaya,” at marami pang iba.

Kabilang din ang mga baguhan at promising singers na sina Martin V at Brian Gazmen na maghahatid naman ng bagong tunog sa mga millennial, at social media sensation na sina RJ Agustin at Zion Aquino.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.