Hit series na The Broken Marriage Vow, mapanonood na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Showbiz
Hit series na The Broken Marriage Vow, mapanonood na

Annalyn Mabini | TFC News
Published Jan 24, 2022 08:36 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2022 08:50 PM PHT
PHILIPPINES – Mapanonood na simula January 24 ang inaabangang “The Broken Marriage Vow” na Pinoy adaptation ng hit BBC drama series na “Doctor Foster.” Bida sa serye sina Jodi Sta. Maria bilang si Dr. Jill Ilustre na Dr. Gemma Foster sa orihinal na serye; Zanjoe Marudo bilang si David Ilustre o Simon Foster na asawa ni Dr. Jill; Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero o Kate Parks, ang mistress ni David Ilustre at Zaijan Jaranilla bilang si Gio Ilustre o Tom Foster, anak nina Dr. Jill at David. Iikot ang istorya sa masayang pamilya ni Dr. Jill na mawawasak dahil sa pakikiapid ni David kay Lexy.

Ikinuwento ni Jodi na sa laki ng proyekto, nakaramdam siya ng pressure habang isinasagawa nila ang taping sa ginanap na online Global Media Conference noong January 17, 2022.

“Nagkaroon ng pressure for me as an actor…I think natigil yung pagkafeel ng pressure na yun after our taping ended…kasi tapos na eh…ieedit na yan…ayoko na siyang isipin nang isipin kasi unnecessary stress na siya. And I believe that we have given our all, our best, our heart and soul to this series,” sabi pa ng award-winning actress.

Para naman kay Zanjoe, mahalagang iba ang kanyang atake sa role na ibinigay sa kanya para maiba sa orihinal na character ng mister na nangaliwa para naman may bagong maihandog sa mga manonood ng sikat na serye.

“Pinanood ko rin yung Dr. Foster at saka yung Korean adaptation, para hindi ko mapareho, hindi parehas yung gawin ko sa ginawa ng character ni David sa ibang series…mahirap siyang gawin, pero it’s all worth it…grabe yung experience, yung memories na nakuha ko sa paggawa ng show na ito,” pagbabahagi ni Zanjoe.

Bilang mistress sa serye, nag-research naman si Sue patungkol sa role at nanood ng mga pelikulang may katulad na tema para magampanan ang role na malayo sa kanyang totoong personalidad.

“Of course it’s hard playing a part or a role na hindi mo completely kilala or wala kang experience at all sa mga pinagdaanan niya…At first, it was a struggle of course, medyo malayo ako doon sa character ni Lexy pero with the guidance of our co-actors, naabot namin yung goal namin…and makakaasa po kayo na hindi po ito katulad ng mga napanood na ninyo noon,” kuwento pa ni Sue.

Para naman kay Zaijan Jaranilla na kilala sa kanyang breakout role bilang isang ulilang bat ana si Santino sa sikat na 2019 inspirational teleserye na “May Bukas Pa,” makaka-relate sa serye at sa kanyang character na si Gio ang sinumang tulad niya na produkto ng broken family:

“Galing din po ako sa broken family so, naiintidihan ko si Gio kung saan siya nanggagaling at thankful din po ako sa ABS-CBN kasi…yung istorya ni Gio dito, mas pinakita nila yung side niya kasi sa ibang adaptation at saka sa original, mas naka-focus doon sa family, hindi masyadong napakita yung side nung kid. So dito po, mas maiintidihan nila kung saan nanggagaling si Gio.”
Kasama rin sa serye ang iba pang characters tulad nina Rachel Alejandro bilang Nathalia Lucero; Bianca Manalo bilang Carol Manansala; Jane Oineza bilang si Diane Riagon; Joem Bascon bilang Enzo Tierra; Art Acuña na gumaganap bilang si Fred Lucero; Ketchup Eusebio bilang Charlie Manansala; Empress Schuck bilang si Grace Jimenez; Angeli Bayani bilang si Dr. Sandy Alipio at ang beteranong aktor na si Ronnie Lazaro bilang si Dr. Jose Tan.

Ibinahagi naman ng dalawang direktor ng serye sa global mediacon kung gaano naging challenging ang lock-in taping para sa serye sa gitna ng restrictions dahil sa pandemic.

“Parang ang hirap nung restrictions and may challenge yung restrictions on how are we gonna mount it, but we still want to come up with something that is global…Grateful na lahat ng actors na nakasama namin sa set ay sobrang mahuhusay…and when they come on the set, they are prepared…no role is small. Lahat kasi ng roles na yan ay integral in making the characters come out,” sabi ni Direk Concepcion Macatuno.

Halos lahat din ng matitinding eksena sa serye, take one lang nilang kinunan dahil sa husay ng powerhouse cast.

“...wala kasi kaming time (laughter)…yun yung specific instructions namin before going in to the lock-in (taping), na sana we won’t waste time, like us directors, we don’t have time to teach them how to act or how to make the scene come alive, so they really have to do their assignment prior to going up to Baguio for the shoot. Because we don’t have time, we’re shooting in a pandemic. Pagdating pa lang nung scene, alam na dapat nila yung lines, alam na dapat nila yung nuances, also para mapadali na rin ang trabaho namin…Unang-una, hindi namin sila kailangang turuan umarte, dahil lahat sila mahusay umarte,” sabi naman ni Direk Andoy Ranay.

Nagbahagi naman ng mensahe si Jodi sa mga kapwa kababaihang nakararanas ng pangangaliwa ng mga mister o sa kababaihan nakipaghiwalay sa kanilang mga mister dahil sa infidelity ng lalaki:

“There’s always life after heartbreak. Hindi ito katapusan ng mundo. I know it’s really going to hurt, I mean no betrayal naman is easy pero, you can always choose to heal. And when you begin to heal and to love yourself more, then mari-realize mo na may puwede ka pa palang ibigay.”
Inimbitahan din ni Jodi ang viewers na suportahan ang hit drama series na The Broken Marriage Vow kung saan nagsanib puwersa ang ABS-CBN at Viu para sa mas malawak na viewing platform:

“Congratulations to ABS-CBN and Viu for this major partnership…and sa aming mga manonood, sana po suportahan ninyo ang The Broken Marriage Vow. Mapapanood n’yo na po yan sa January 24, 8:40 pm sa Kapamilya Channel at Jeepney TV sa cable, Kapamilya Online Live, sa Facebook at Youtube, A2Z Channel 11, TV5 sa free TV, at siyempre po sa mga gustong mauna na makapanood na, puwede po kayong manood advanced po before po ng TV broadcast starting January 22 sa iWantTFC po yan at Viu.”
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT