PANOORIN: Cast ng 'Huwag Kang Mangamba' tampok sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2021 03:28 PM

Bumisita ngayong Linggo ang cast ng 'Huwag Kang Mangamba' sa 'ASAP Natin 'To,' kung saan kinanta ni Angeline Quinto ang theme song ng upcoming Kapamilya series. Screengrab

Tampok sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang cast ng upcoming Kapamilya series na "Huwag Kang Mangamba."

Ang inspirational series ay hango sa kanta ng worship musical group na Bukas Palad Music Ministry, na likha naman ni Fr. Manoling Francisco.

Watch more in iWantTFC

Sa pag-awit ni Angeline Quinto ng kanta, sinamahan siya sa "ASAP" stage ng mga bida ng teleserye na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin, o mas kilala bilang The Gold Squad.

Ang "Huwag Kang Mangamba" ay isang Dreamscape Entertainment production na pagbibidahan din nina Quinto, Eula Valdes, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Enchong Dee, Nonie Buencamino, Matet de Leon, Dominic Ochoa, at RK Bagatsing.

Watch more in iWantTFC

Ang naturang serye ang pinakabagong inspirational series ng ABS-CBN, gaya ng "May Bukas Pa," "100 Days," at "Starla."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.