Daniel Padilla, masaya sa buhay pag-ibig ng inang si Karla Estrada

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Importante sa akin, masaya ang ermat ko." 

Ito ang pahayag ni Daniel Padilla nang matanong ang kanyang reaksiyon sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng kanyang inang si Karla Estrada.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sabi ni Daniel na bilang anak ay masaya siya sa kasiyahang nararamdaman ng kanyang ina. 

"Hindi ako masyadong nangingialam doon. Ang importante lang sa akin ay masaya ang ermat (nanay) ko. Masaya siya at alam naman niya na bantay-sarado siya sa akin," aniya.

"So I'm just happy for her now dahil masaya siya at maganda ang mood niya palagi, at 'yun ang importante," dagdag ng aktor.

Nobyembre noong nakaraang taon ay pormal nang ipinakilala sa publiko ni Karla Estrada si Jam Ignacio, ang kanyang bagong nobyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.