Marco Gallo, mananatili na muli sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Mananatili na muli sa Pilipinas ang dating "Pinoy Big Brother housemate" na si Marco Gallo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Marco ang kanyang desisyon na dito na mamalagi sa bansa.

"Actually it's for good. That's my plano po. So, I will see you soon again," ani Marco na nagpasalamat din sa mga taong natuwa sa kanyang pagbabalik mula sa ibang bansa.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon ay umuwi sa Italya si Marco.

Bago umalis, nakagwa pa si Marco ng pelikula, ang "Familia Blondina" kung saan bida ang "Magandang Buhay" host na si Karla Estrada.

Sa loob ng anim na buwan, bakasyon at pag-aaral ang ginawa ni Marco sa Italya.

"Siyempre super lamig, nakakapanibago na naman. Sabi ko parang sobrang lamig para sa mga Pinoy dito. Balik na lang sa Pilipinas," ani Marco. 

Kamakailan lang ay bumalik sa Pilipinas si Marco na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga at mga kaibigan tulad nina Edward Barber at Maymay Entrata na nakasama niya sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7."

"Si Marco alam ko he will surprise me and Maymay, hindi ko alam kung kailan. So nag-guest siya sa 'PBB' online. He surprised us tapos nag-all out kami ni Maymay," ani Edward.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinahagi ni Edward na malaki ang pasasalamat niya sa kaibigang si Marco.

"Grateful ako kasi si Marco siya ang nagbigay ng chance sa akin na I can be a kuya. Kasi hindi ko naranasan 'yon. May ate lang ako, wala akong bunso," pauna ni Edward.

"So kahit six months lang 'yung difference, he gave me that chance na 'yung responsibility na parang may kapatid ako na lalaki. May responsibility doon pero mahirap din minsan. Kasi si Marco makulit at matigas din ang ulo ni Marco," paliwanag na dagdag ni Edward.

Sa programa, nagkuwento sina Edward at Marco sa tatag ng kanilang pagkakaibigan.

"Si Marco, parang lagi kaming nagko-compete pero in a good way naman. Sinasabi niya palagi sa akin, 'Hoy Edward, mali ang Tagalog mo' o 'mali ang sinabi mo' something like that. Pero it's always to make each other better," ani Edward.

Ayon naman kay Marco, isa sa mga pagkakataon na naramdaman niya na magkakampi sila ni Edward ay nang dumalo sila sa Star Magic Ball.

"Kasi sobra akong kinabahan doon. Tapos sabi niya, 'Dude, pinaghirapan mo 'yan, nandiyan ka na go, go.' And then I was like, don't leave me. Si Kisses noon (ang partner ko). I was like, 'Edward I feel kinakabahan ako. Paano ito?' And he's like, 'You are a man go, do it. Fly, spread your wings," kuwento naman ni Marco.

Nang balikan naman kung ano ang pinakamalaking hamon ang sumubok sa kanilang pagkakaibigan, sinabi ni Edward na ito ay noong umalis pabalik ng Italya si Marco.

"Actually 'yung day na nalaman ko na aalis siya ay 'yung day mismo na aalis siya. Hindi ko siya nakita, parang ayaw ko siya makita bago siya aalis kasi masakit din 'yon. Kasi brother ko 'yon. From 'PBB' until that point he was always there for me, tapos biglang aalis siya," ani Edward.

Ayon kay Marco, isang linggo bago siya umalis nang sabihin niya sa mga kaibigan ang planong pagbalik sa Italya.

"It was mabigat. Kasi for me it's one of the friendships na alam niyo na kahit anong tagal niyong hindi nag-usap pero ganun pa rin once you see each other and then leaving a buddy that you'd been with almost everyday for two years since 'PBB.' When we didn't have work magkasama kami. So parang hindi lang ganun kadali na iwanan ko siya," ani Marco.