Sue Ramirez, matinding training ang pinagdaanan para sa 'A Soldier's Heart'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 11:26 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Proud si Sue Ramirez na kasama siya sa bagong teleseryeng "A Soldier's Heart."

Ayon kay Sue, ito muna ang focus niya ngayon para magampanan ng maayos ang kanyang role bilang sundalo sa serye.

"Gusto ko siyang pagdaanan para alam ko ang bigat at responsibilidad na dinadala ng isang karakter ng isang sundalo," ani Sue.

"Ang kuwento ng 'A Soldier's Heart,' it's more of kuwento ng pamilya ng mga sundalo, kuwento ng journey nila kung paano sila naging sundalo at kung bakit sila naging sundalo," dagdag niya.

Matinding paghahanda ang pinagdaanan ni Sue na only girl na sumabak sa training at walang special treatment.

Pabiro pa ngang nagkuwento si Sue ng kanyang bonding kasama ang cast ng serye.

"Sila ang dapat mailang sa akin. I don't have anything to be ilang about. Nagbibihis ako kahit saan. Sila na lang ang tumatalikod. Sila ang mag-a-adjust ako lang ang only girl, sila ang mag-a-adjust sa akin," ani Sue.

Napapanood ang "A Soldier's Heart" gabi-gabi sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.