PatrolPH

Liza natuwa sa ilang teorya ng fans ukol sa 'Alone/Together'

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 08:13 PM

Liza natuwa sa ilang teorya ng fans ukol sa 'Alone/Together' 1
Hindi napigilan ni Liza Soberano na matawa sa mga nabasang teorya ng fans ukol sa magiging takbo ng kaniyang pelikulang 'Alone/Together' kasama si Enrique Gil. Screengrab

Tumulak na papuntang New York ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil upang mag-shoot ng ilan pang eksena para sa kanilang Valentine's movie na "Alone/Together."

Pero bago pa man umalis, tumatak at viral na agad ang teaser ng kanilang pelikula kung saan pumalo na sa higit 8 milyon ang pinagsama-samang views nito sa social media sites. 

Watch more on iWantTFC

Nang hingan ng reaksiyon, sinabi ni Soberano na natuwa siya sa naging pagtanggap ng tao, lalo't patikim pa lamang ang kanilang inilabas.

"I'm really happy with the reception of everybody. It’s been a long time since we had our movie. I’m really excited for the fans and also excited to watch myself also on the big screen," aniya. 

"I feel nervous and excited, I just want the movie to come out," dagdag naman ni Gil. 

Hindi naman napigilan ni Soberano na matawa sa mga teorya na inilalabas ng fans sa magaganap sa kanilang pelikula. 

Ilan sa mga hula ng fans ay mamamatay umano ang karakter ni Gil. Mayroong ding nagsabi na naging doktor si Gil at naging biyuda naman si Soberano. 

"I find all the theories funny. They were all very creative and nakakatuwa basahin ang mga theories from a short teaser pa lang, ang dami na nilang naiisip, so I'm really excited to reveal the story," kuwento ni Sobero.

Base sa teaser, isang Biology major ang karakter ni Gil at isa namang Art studies major ang kay Soberano. 

Ipalalabas ang official trailer ng Alone/Together ngayong Miyerkoles sa Primetime Bida. —Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.