PatrolPH

'Dirty Linen' cast bumida sa 'ASAP Natin 'To' stage

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2023 03:37 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Bumida ang cast ng paparating na teleseryeng "Dirty Linen" sa "ASAP Natin 'To" stage nitong Linggo.

Pinangunahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo ang pagrampa sa entablado, habang inawit naman nina Cesca at Kice ang mga theme song ng serye.

Kasama rin nila sina John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino, Joel Torre, JC Santos, Christian Bables, Jennica Garcia, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Tessie Tomas, Francine Diaz, at Seth Fedelin.

Mapapanood na ang "Dirty Linen" simula Lunes 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5 pati na rin sa online sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.