Ion Perez, ibinahagi ang pinakamasakit na komento sa relasyon nila ni Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2021 02:06 PM | Updated as of Jan 22 2021 08:07 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Ibinahagi ni Ion Perez ang pinakamasakit na sinabi ng ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Vice Ganda.

Sa pinakabagong vlog ni Vice, ilang mga personal na bagay ang kanilang napag-usapan habang naglalaro ng Jenga.

Inamin ni Ion na ang pagkakadamay ng kanyang ina ang pinakamasakit na narinig niya dahil sa relasyon nila ng sikat na host at komedyante.

"'Yung sinabihan din 'yung nanay ko na mukhang pera, 'yun ang pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, tanggap ko 'yon. Pero 'yung sa nanay ko, parang, nakasama ko 'yon, alam ko ang ugali noon, nakasama ko sa hirap, hindi naman ganun 'yon. 'Yun ang pinakamasakit na narinig ko sa tao na sinabi nila na mukha raw pera ang nanay ko," ani Ion.

Ayon kay Vice, sumakto ang tanong kay Ion na matindi ang hinarap dahil sa kanilang relasyon.

"Bagay sa iyo ang tanong ikaw kasi ang naka-experience niyan nang bonggang-bongga to the severest level," ani Vice.

"Ngayon tinatawanan niya na lang; dati iniiyak niya 'yan," giit niya.

Sa kanilang paglalaro, tinanong din si Vice kung career o love life ang pipiliin niya.

"Since na-enjoy ko na ng bongga ang career ko, gusto ko ma-enjoy ang love life ko ngayon. Pipiliin ko ang love life," ani Vice.

Sa tanong naman kung anong dahilan ang puwedeng makapagpahiwalay sa kanila ni Ion, sagot ni Vice: "Kapag ayaw na namin. 'Yon ang pinakaposible. Pero ang imposible pero rukrukan na 'yon na maghihiwalay kami kapag nagbubugbugan na kami, 'yung pisikal na sakitan, hindi talaga puwede. Ayaw niya rin ng ganoon."

Related video:

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.