'We're all okay': Yassi dinepensahan ang kapatid sa gitna ng JaDine split

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 06:20 PM

MANILA - Sa gitna ng hiwalayang James Reid at Nadine Lustre, nagsalita na si Yassi Pressman sa pagdawit sa kaniyang kapatid bilang "third party" ng tambalan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Sa Instagram, nag-post si Yassi ng retrato nila ni Lustre na kinunan umano kagabi. 

Sa caption sinabi ni Yassi na hindi na niya kayang panoorin ang patuloy na pambabato ng masasakit na salita dahil nananahimik umano si Issa. 

“This was me and Nadz (Lustre) last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then... They started getting out of hand, at 'di na 'yon tama," ani Yassi. 

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay,” dagdag niya. 

Sa huli, sinabi ni Yassi na maayos silang lahat at nanawagang mag-respetuhan na lang. 

"We're all okay. Sana po kayo din. Let's respect everyone," aniya. 

Sumagot si Lustre sa comment ng post: "Love u both," na tumutukoy kina Yassi at Issa. 

Lunes nang i-anunsiyo ang hiwalayan nina Lustre at Reid, bagay na ikinagulat ng netizens at celebrities. 

Nadawit ang magkapatid na Pressman matapos iugnay si Issa kay Reid at akusahan ang aktor ng pangangaliwa sa relasyon kay Lustre. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.