PatrolPH

Sue Ramirez, ibinahagi ang natutunan pagdating sa pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 01:30 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Maraming natutunan ang aktres na si Sue Ramirez pagdating sa pag-ibig kahit hindi niya itinanggi na masakit ang mabigo.

"Huwag na huwag kayong magmamadali. Huwag niyong iisipin at huwag niyong itatatak sa utak niyo na ang taong kasama niyo ngayon ay siya na ang habang buhay niyong makakasama. I think kasi kapag ganun 'yung mindset natin ay medyo nag-e-expect tayo ng more from that person na sometimes ay hindi nila kayang ibigay. And hindi nila kasalanan 'yon, kaya huwag din nating isisi sa kanila siguro," ani Sue Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles

"Be patient with yourself, huwag kang magmamadali sa lahat ng bagay. Huwag kang ma-pressure at huwag mo ring i-pressure ang karelasyon niyo," dagdag ni Sue na huling nakarelasyon si Joao Constancia, isa sa miyembro ng BoybandPH.

Pero sa kabila ng kabiguan, naniniwala rin ang aktres na hindi dapat sumuko pagdating sa pag-ibig.

"I think tayong mga tao, inilagay tayo sa mundo para magmahal. At kung kailan niyo 'yon maramdam, huwag niyong ipagdamot sa sarili niyo. Kung gusto niyong magmahal agad, okay lang 'yon. Kung gusto niyo ng oras, okay lang din 'yon. Basta huwag niyo lang ipi-pressure ang sarili niyo na pumasok sa isang bagay na hindi pa kayo handa. Basta maramdaman niyo at sigurado na kayo siguro go for it. Kasi minsan lang dumarating ang chances at mga tao sa buhay natin baka mawala," ani Sue.

Sa ngayon, iginiit ng aktres na prayoridad niya ang kanyang pamilya at karera.

"Marami pa akong gustong ma-achieve sa buhay ko lalo para sa pamilya ko, para sa akin. Marami pa akong kailangang i-develop at abutin kasi medyo mataas-taas pa ang gusto kong akyatin. I think for everybody palagi tayong titingala pa rin kahit gaano na kataas 'yung narating natin, mayroon pa rin tayong gustong i-achieve for ourselves," ani Sue, na inspirasyon ngayon ang kanyang pamilya.

"'Yun ang focus ko ngayon, mas malaki siyang inspiration for me. Dati kapag in love ka, feeling mo ang inspiration mo ay ang jowa mo. Ngayon feeling ko kahit magka-jowa ako dapat mas maintindihan niya na mas malaking inspiration for me is my family. Parang 'yun din, isa rin 'yon sa lessons na natutunan ko sa past relationships ko," ani Sue.

Sa ngayon ay parte si Sue ng seryeng "A Soldier's Heart" na ipinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "Make It With You."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.