Maymay, Edward may payo sa bagong 'PBB' housemates

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 11:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA – Maganda ang pasok ng 2019 sa tandem nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Dahil sa mga trabaho na dumarating sa kanila, naikuwento ni Maymay na mas naa-appreciate niya ang pagsusumikap ng kanyang nanay na maitaguyod silang magkakapatid noon pa man.

“Ngayon mas naintindihan ko na 'yung sakripisyo ng mama ko para sa amin. Napalayo siya sa pamilya para lang matustusan kami. Ngayon na ako na ang nagtatrabaho at tumutulong sa mama ko, na-realize ko na parang pareho lang,” ani Maymay.

Dito rin naibahagi ni Maymay na hindi pumasok sa kanyang ulo ang tagumpay at positive comments na nakuha niya matapos niyang rumampa sa Arab Fashion Week.

“Hindi naman, sir. Wala akong pakialam. Para sa akin, ganito lang ako. Kung saan nila ako nakilala, doon lang talaga ako,” sabi ni Maymay.

Bilang former “Pinoy Big Brother” housemates, nagbigay din ng tips sina Maymay at Edward sa present housemates ng "PBB."

“Kahit anong mangyari, kahit nasa kompetisyon kayo, mangingibabaw pa rin 'yung pamilyang nabuo niyo sa Bahay ni Kuya,” sabi ni Maymay.

“Feeling ko naninibago pa sila pero kailangan nila maalala na they really have to start working hard now. Ito 'yung chance nila para 'yung mga pangarap nila, abot kamay na,” dagdag naman ni Edward.

Isang serye ang binubuo ngayon para sa MayWard na marami na ang excited na malaman ang detalye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.