PBB: Zach Guerrero mas kinilala pa si Thamara Alexandria

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2022 10:32 PM

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Hindi pinaglagpas ni Zach Guerrero na mas makilala pa ang iniuugnay sa kaniya sa “Pinoy Big Brother” na si Thamara Alexandria nang usisain nitong buhay ng ka-housemate.

Isa si Guerrero sa mga pinagpilian ng mga housemate na maging supervisor ng “PBB” kaya nabigyan ito ng pagkakataon na mag-ala Big Brother sa pagtatanong sa mga housemate.

Masuwerteng nabunot nito si Alexandria na tinanong niya tungkol sa kaniyang pamilya. 

Naging bukas naman si Alexandria sa kaniyang kuwento kung saan ibinahagi nito na magkakalayo sila sa isa’t isa lalo na’t seaman ang kaniyang ama.

“Magkalayo po kami sa isa't isa. Pero nadadaan naman po sa mga video call. Medyo nahihirapan kaming makipag-usap from time to time kasi magkaiba kami ng schedule ng nanay ko, ng dad ko, pati ng ate ko,” panimula nito. 

Aniya, hindi naging madali sa kanila ang ganoong sitwasyon dahil nagtatrabaho rin ang kaniyang ina bagamat nakikita naman nila ng madalas.

Isa umano sa pinagdarasal niya na makumpleto silang pamilya lalo na sa hapag kainan. 

“Lagi ko pinagpe-pray yun nasa sana magiging kumpleto kami palagi pamilya. Kaming apat, makapagsabay kami ng dinner,” saad ni Alexandria. 

Naantig naman si Guerrero sa ikinuwento ng kasamhan at pinayuhan ito na mas magiging maganda ang kanilang muling pagsasamang pamilya sa takdang panahon.

“Yung tagal na hindi pagkikita ng pamilya natin, mas pinapatamis nun yung mga panahon na muli tayong magkakasama,” ani Guerrero.

Pahabol pa niya, hanga siya sa pagiging matatag at independent ni Alexandria. 

Watch more News on iWantTFC

Sa huli, si Guerrero ang napili ng mga housemate na maging supervisor ng Bahay ni Kuya matapos talunin si Raf Juane sa bato-bato pick.

“Ngayon ko lang naramdaman na may naka-appreciate sakin. Maraming salamat sa inyo. Alam nyong lahat na hindi ako masalita. Hindi ako spontaneous na kagaya niya na kailangan niya sa pagiging bisor,” sambit nito.

Mapapanood ang “PBB” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.