PANOORIN: Ilang eksena sa debut ni Isabelle Duterte

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2018 04:47 PM | Updated as of Jan 21 2018 04:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv
Video by Lito Sy

Naging engrande ang pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ni Isabelle Duterte, apo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ekslusibong ibinahagi kay Ganiel Krishnan ng ABS-CBN News ang video ng debut ni Isabelle na idinaos sa The Peninsula Manila noong Biyernes.

Tadtad ng mga bulaklak ang daanan ng mga bisita papasok sa venue.

Pastel-colored na bulaklak din ang bihis ng mismong venue.

Suot ni Isabelle ang magarbong gowns, kabilang ang cobalt blue gown na likha pa ng tanyag na designer na si Michael Cinco.

Bukod dito, may sinuot ding all-white pantsuit si Isabelle nang magtanghal siya sa isang dance number.

Angat naman ang mala-toreng cake ng debutante.

Kabilang sa "glam team" ni Isabelle ang stylist na si Jeff Galang, make-up artist Winn Ramos, and hairstylist Frankie Bacierto.

Kapansin-pansin namang liban sa okasyon ang Pangulo.

Dati nang ipinahayag ni Isabelle ang kaniyang pagnanais na sumabak sa showbiz. Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng talent manager na si Annabelle Rama.

-- May ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.