Housemates nag-ala Big Brother sa audition bilang ‘PBB’ supervisors

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2022 09:45 PM

Watch more News on iWantTFC

Tila naging “Big Brother” ang mga adult housemate sa loob ng Bahay ni Kuya nang mag-audition ang mga ito bilang “Pinoy Big Brother” supervisors.

Sa isang task na ibinigay ni Kuya, isa-isang nagpa-sample ang mga housemate ng kanilang bersyon bilang isang supervisor kung saan ang mapipili ay siyang kikilatis sa mga paparating na bagong contestants. 

Binigyan ang mga ito ng tig-dadalawang minuto upang ipakilala ang kanilang mga sarili at gayahin ang pagbibigay ng utos ni Kuya. 

Sa huli, napagdesisyunan ng mga housemate na sina Isabel Laohoo, Raf Juane, Zach Guerrero at Michael Ver Comaling ang maglalaban-laban para sa dalawang supervisor spots. 

Nauwi naman sa katatawanan ang sample ng apat sa pagbibigay ng utos sa mga napiling kasamahan.

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Pinili ni Laohoo si Seham Daghlas na utusan kung saan pinarampa niya ito sa swimming pool area habang may bitbit na saging.

Pinagdilig naman ni Guerrero ang tinutukso sa kaniyang si Thamara Alexandria bago pinag-model ala beauty queen. 

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Samantala, nilabhan naman ni Gin Regidor ang palda ni Juane at tinuruan pa ang mga kasama kung paano ang tamang pagkukusot. 

Naging mandirigma naman si Nathan Juane nang maisipan ni Comaling na maglaban sila ni Laziz Rustamov sa loob ng 20 segundo. 

Mapapanood ang “PBB” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.