Gerald Anderson, ibinahagi ang natutunan sa nabigong pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 01:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson ang mga natutunan niya pagdating sa relasyon at sa tuwing magtatapos ito.

"Isa sa mga na-realize ko rin pagdating sa relasyon, I think, ay iba talaga ang perspective o POV (point of view) ng isang babae at isang lalaki pagdating sa relationship. That's why minsan kapag nag-away, correct me if I'm wrong, talagang minsan hindi magkakaintindihan dahil iba 'yung emotions, iba 'yung facts, pananaw," ani Gerald sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, kasama ang kanyang mga kasamahan sa pinakabagong aabangang serye na "A Soldier's Heart." 

"Hindi naman ako magmamalinis. Until this day, siyempre there are nights na I think of what could I have done better, ano 'yung dapat ko ginawa. Habang tumatagal doon ko na-realize na there's always two versions talaga. At iba ang perspective ng bawat tao sa relationship. It takes two to tango. But I also accepted na a relationship doesn't fail just because of one person, it really takes two, kasi kayong dalawa 'yung nandoon," dagdag ni Gerald na noong nakaraang taon ay humarap sa kontrobersiya dahil sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo

Ayon kay Gerald, sa mga panahon na humaharap siya sa kontrobersiya, malaki ang tulong at suporta ng mga kasamahan niya sa "A Soldier's Heart" tulad ni Carlo Aquino na unang nagpakita ng malasakit sa kanya. 

"Nag-open up ako sa isang taping namin. Pero hindi ko sinabi sa kanila na ako 'yon. ... Noong time kasi na 'yon parang nasa akin lahat, parang may makaka-relate kaya sa akin, iba 'yung feeling, so nung nagkuwento ako 'yung kaibigan ko kasi ganito, 'yung partner niya ganyan,' sabi nila 'ay oo, Bro.' So parang gumaan agad 'yung pakiramdam ko na 'ah okay normal, hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito,'" ani Gerald.

"Pero noong pinaka-peak ng lahat ng judgment at pinagdaanan, ako masasabi ko na hindi ko 'yon [malalagpasan] kung hindi dahil sa 'A Solider's Heart,' dahil sa grupo na ito. Makita ko lang sila, magba-basketball, during break, or kakain kami sa labas, or kakain sa kampo sobrang sarap na may ganito ako. I think Papa God gives you the challenges at the right time in your life. He gives the worst challenges to the strongest soldiers, isa 'yon sa mga na-realize ko," dagdag ng aktor.

Aabangan si Gerald sa pinakabagong serye na "A Soldier's Heart" na magsisimula ngayong Lunes, Enero 20, pagkatapos ng "Make It With You."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.