PANOORIN: Ella Cruz ibinida ang Blackpink dance number sa ‘ASAP’

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2020 03:00 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊. 🍭 (@ellacruz) on

Ipinakita ng aktres at dancer na si Ella Cruz sa “ASAP” ang dance number niyang nagpabilib kamakailan sa K-pop girl group na Blackpink.

Naging pambato ng Pilipinas kamakailan si Cruz at ang mga SexBomb NewGen members na sina Daphny Red at Eunice Creus sa isang dance competition sa Indonesia kung saan nagsilbing judges ang mga miyembro ng Blackpink. Inuwi nila Cruz ang Awesome Cover award sa timpalak.

Watch more in iWant or TFC.tv

Itinanghal nina Cruz, Creus at Red sa “ASAP” ang number na sinayaw nila sa Indonesia, tampok ang mga sikat na kanta ng Blackpink gaya ng “Kill This Love,” “Whistle,” at “Forever Young.”

Dati nang inamin ni Cruz na isa siyang tagahanga ng Blackpink at noong 2017 ay nagtungo pang South Korea para sa fan meet event ng grupo.

Bukod sa pagiging mananayaw, kilala si Cruz bilang aktres. Magugunitang noong 2012 ay pinagbidahan niya ang Kapamilya seryeng “Aryana.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.