Ano nga ba ang estado ng relasyon nina Zanjoe at Bela?

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2018 11:44 AM

 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

MANILA -- "Friends pa rin naman kami." Ito ang sagot ni Bela Padilla nang tanungin tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng aktor na si Zanjoe Marudo.

Ayon kay Bela, pareho silang dalawa ni Zanjoe na abala sa kani-kanilang mga proyekto.

"Ano, busy siya, busy ako," ani Bela na umaming hindi siya kumportableng pag-usapan ang aktor habang nagpo-promote siya ng kanyang bagong pelikula na "Meet Me In St. Gallen."

Nang maitanong kung mayroong hindi natuloy na relasyon sa pagitan nila ni Zanjoe, sagot ni Bela: "Wala naman. Wala namang nag-umpisa para maudlot."

Giit ni Bela, magkaibigan pa rin sila ni Zanjoe at nagagawa pa rin nila ang mag-usap.

"Friends pa rin naman kami hanggang ngayon. Nag-uusap pa naman kami, so okay lang," giit ni Bela.

Sa direksyon ni Irene Villamor, ipapalabas ang pelikula nina Bela at Carlo Aquino na "Meet Me in St. Gallen" sa Pebrero 7.

Nobyembre noong nakaraang taon nang igiit din ni Zanjoe na magkaibigan lang sila ni Bela na nakasama niya noon sa seryeng "My Dear Heart."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.