‘Tala’ para sa Taal: Sarah G fans nagsayaw para makalikom ng donasyon

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 05:30 PM | Updated as of Jan 19 2020 08:08 AM

Ipinamalas ng fans ni Sarah Geronimo ang kanilang "Popster" power sa pag-abot ng tulong para sa mga apektado ng pag-alboroto ng bulkang Taal sa Batangas.

Isang donation drive ang inorganisa ng fans ni Geronimo ngayong Sabado sa Qurino Grandstand sa Maynila, kung saan halos 300 ang nagpunta at sumayaw ng hit song na "Tala."

Bagaman 300 lang ang nagtungo sa Maynila para sumayaw, umabot sa 600 fans ang nag-register at nag-donate online.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa mga lumahok, suportado ng management ni Geronimo na Viva ang kanilang donation drive.

Ang lahat ng mga malilikom na pondo ay idederetso ng fan club sa Philippine Red Cross.

Libo-libong residente sa mga bayang nakapaligid sa Taal ang lumikas simula noong Linggo nang mag-umpisang mag-alboroto ang bulkan.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.