Jerald Napoles sumagot sa isyung ginagamit si Kim Molina para sumikat

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 04:56 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina) on

Sinagot ng theater actor at comedian na si Jerald Napoles ang mga paratang na ginagamit niya ang nobyang si Kim Molina para umusbong ang karera niya sa show business.

"Opinion niyo 'yan so gagalangin niyo opinion niyo," ani Napoles nang hingan ng reaksiyon ukol sa mga komento sa panayam ng "Tonight With Boy Abunda."

Pero para sa 36 anyos na aktor, hindi nila ginagamit ni Molina, 28, ang isa't isa para sa kasikatan.

"We're just going with the flow," ani Napoles.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi rin naman bumuwelta si Napoles ukol sa mga komentong mas sikat sa kaniya si Molina, na kilala sa supporting roles nito sa mga serye gaya ng "Kadenang Ginto," at sa pagbida sa mga pelikulang "MOMOL Nights" at "#Jowable."

"I agree, she has been always the bigger star than me," ani Napoles.

"This is her dream. Ever since she was 8 years old, 4 years old, she's been singing on stage. She's already a star ever since I decided to become an artist," dagdag niya.

Noong Setyembre ng nakaraang taon, ibinahagi ni Molina na 5 taon na ang relasyon nila ni Napoles, na nag-umpisa nang magkasama sila sa musical na "Rak of Aegis."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on

Nang tanungin kung paano nalaman na si Molina na ang "the one," sagot ni Napoles: "She always makes me a better person."

Ayon kay Napoles, may mga pag-uugali kasi siyang nakuha sa paglaki sa Tondo, Maynila na maaari raw hindi pangkaraniwan sa iba, na ipinaliliwanag sa kaniya ni Molina.

"May mga instances sa buhay na minsan nadadala ko 'yong kabargasan ko... pagiging aggressive ko sa buhay," aniya.

"Si Kim 'yong [nagsasabi sakin na] 'Alam mo ba, ganito 'yong nangyari, ganito 'yong ginawa mo. Siguro may rason ka sa ginawa mo pero kasi 'yong dating [sa iba] ganito,'" paliwanag ni Napoles.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.