Maja Salvador, pansamantalang 'di makikita sa ASAP

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2018 11:41 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Magbabalik sa concert stage si Maja Salvador ngayong 2018 sa "Maja On Stage" na magkakaroon ng world tour at magsisimula sa Cebu City.

Nagbigay patikim si Maja sa mga hataw na production numbers at isa dito ay siguradong magugustuhan ng Cebuanos.
 
"Sa Cebu sabi ko po gusto ko may connection ako sa kanila. So, nag-invite kami ng Cebu dancers and ng Sinulog dancers. Kasama sila sa isa sa production number namin," ani Maja.

Ito na rin ang thanksgiving ni Maja dahil sa malaking tagumpay ng teleseryeng "Wildflower."

Pagkatapos ng serye, sa pelikula naman daw tututok ang aktres.

"Almost one year po ang 'Wildflower' at nag-start na po mag-launch ng new teleseryes. So kundi man this year parang siyempre give chance naman nagro-rotate naman 'yan. Kakatapos ko lang ng teleserye ngayon, sa pelikula muna ako," ani Maja.

Nilinaw rin ni Maja ang dahilan kung bakit pansamantala ay 'di muna siya mapapanood tuwing linggo sa "ASAP."
 
"Kung nakakapanood po kayo (ng 'Wildflower') hindi na lang siya drama, action na, parang lahat na nasa show namin. Preparations din for the concert dahil ayaw ko po mabugbog ang katawan ko. Kaya nakiusap muna kami sa 'ASAP' na hindi makakapag-'ASAP' hanggang hindi mag-end ang 'Wildflower,'" ani Maja.

Mapapanood ang "Maja On Stage" sa February 14 sa Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.