'Iba 'Yan': Mga delivery riders, ibinahagi ang mga pagsubok ngayong pandemya

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 08:31 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga delivery riders na humaharap sa iba't ibang pagsubok ngayong may pandemya.

Dahil sa mga limitasyon dahil sa pandemya, dumami ang mga gumagamit ng serbisyo ng mga delivery rider. Sa kabila nito, nakakaranas pa rin sila ng iba't ibang pagsubok, tulad na lamang ng mga cancelled at fake booking.

Isa si Nomer Deguit sa mga delivery rider na nakilala ng "Iba 'Yan". Sa loob ng limang taon, nagtatrabaho siya bilang isang delivery rider.

Ani Nomer, dahil sa dami ng mga delivery rider, bumababa na rin ang kanilang kinikita sa pagde-deliver.

Katulad ng mga ibang rider, nakaranas na rin siya ng fake booking.

Sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang nararanasan, ibinabahagi ni Nomer at ng kaniyang mga kasamahan ang mga tip at pagkain na nakukuha nila sa mga nadadaanan nila sa kalsada.

Bukod kay Nomer, tinulungan rin ng "Iba 'Yan" ang iba pa nilang mga kasamahang delivery rider.

Panoorin ang kanilang kuwento.

Watch more in iWantTFC