Julia Montes, balik-showbiz na

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 10:12 AM | Updated as of Jan 17 2020 10:54 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Magbabalik-showbiz na ang aktres na si Julia Montes.

Sa Instagram, kita ang larawan ni Julia na bumisita sa opisina ng kanyang talent management na Cornerstone Entertainment Inc.
 
At ayon pa sa post, maraming proyekto ang nakalinya para kay Julia ngayong 2020.

Matatandaang lumipad patungong Germany si Julia noong nakaraang taon para makasama ang kanyang ama.

Taong 2018 huling bumida sa teleseryeng "Asintado" si Julia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.