Iba't ibang proyektong aabangan sa KathNiel ngayong 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 06:11 PM | Updated as of Jan 16 2020 06:34 PM

MAYNILA — Certified Kapamilya stars pa rin ang phenomenal box office couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos silang pumirma ng 3-year contract sa network. 

"Siyempre sobrang saya at sobrang nagpapasalamat kami na ang tiwala ng ABS-CBN sa amin ay nandiyan pa rin, at ganoon din naman ang tiwala namin sa ABS-CBN," ani Padilla. 

Balik tambalan ang KathNiel sa isang pelikula at sa teleseryeng "Tanging Mahal."

"We’re very excited kasi collaboration talaga 'yung nangyayari... The story kung ano gusto namin mangyari, they’re very open," ani Bernardo. 

"It's gonna be something fresh. Ang tagal din namin hinihintay ito," dagdag ni Padilla. 

Samantala, new beginning din para kay Bernardo ang launch ng kaniyang Youtube channel na "Everyday Kath" na nakakuha agad ng silver "Play" button mula sa video company.

    
—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.